Ang Number Two Ng Buhay Ko - Blg. 2
January 19, 2006
1. Dalawa ang pangalan ko, Lex at Von.
Kaasar nga dati nung nag-aaral pa ako eh laging pinag-iisa ng mga
teachers at classmates ko…”Ma’am, two names po, at magkahiwalay po
iyon!"
2. February ako pinanganak, so pangalawang buwan iyon at ang taon ay 1977.(doble-siete)

3. Dalawa rin ang pangalan ng Kuya ko, Fervic naman siya. Pinagsama yung pangalan ng dalawang lolo ko. Fernando – Vicente.
4. Dalawa rin ang kapatid kong babae, kambal sila. Mayrun din silang two names – Mary Joy at Mary Jay.
5. Dalawa ang parents ko (huh, thank God!).

6. Dalawa lang ang kulay na kaya kong makita nang walang alinlangan —
—– Black & White. Color blind kasi ako.
7. Dalawang beses lang akong HINDI naging First Honor (wow, yabang!) nung elementary ako, noong Grade 3 at Grade 4. So, dalawang taon din akong walang bagong laruan.

8. Dalawa lang kaming nasamang lalaki sa Top Ten nung high school ako. Si Teddy at Ako.
9. Dalawa lang din ang naging sweetheart ko nung highschool—si Belinda at si Aline.

10. Dalawa ang natapos kong course sa college. Technically, ang Associate in Marine Transportation at ang Bachelor of Music Major in Music Education.
11.
Dalawa lang ang naging serious kong relationship, yung isa nag-last ng
4 years at yung ngayon ay sempre, going strong for 6 years. (and I’m gonna marry her na, atlast!) at naging mag-on kami ni Juvy noong February 02, 2000. ( 02-02-2000)

12. Dalawang beses lang akong nakapunta sa Club Dredd
bago ito nagsara. Una, noong tumugtog kami nina Omel at Jon at yung
pangalawa nung naglayas ako sa amin, doon ako tumambay hanggang
alas-dos then, umuwi rin sa pangalawang araw at nadatnan nila akong
natutulog sa 2nd floor ng bahay namin. Bati na kami ni tatay.
13. Dalawang foodchain ang pinagtrabahuhan ko, ang KFC at ang Jollibee.

14. Two thou pesos per labas ang talent fee ko sa Recuerdo de Amor.
15. Hanggang pangalawang tanong lang ako sa Game Ka Na Ba? “Cavite City ba ang capital ng Cavite?” shit, YES ang sinagot ko, kaya iyon—laglag! Trese Martirez pala!

16. Dalawa lang na regular job ang pinasok ko. Yung isa, nagturo ako sa San Jose Academy bilang isang Music Teacher at yung ngayon nga, dito sa Dubai, sa Jumeirah Music Centre bilang isang Guitar Teacher. Two years nga pala ang contract ko dito sa Dubai.
17. Kadalasan, dalawang beses lang din akong kumain, brunch at dinner.

18. Sa pangalawang beses ng langgas sa circumcision ko, ako na lang mag-isa. Salamat, Mang Berting! Salamat din sa dahon ng punong bayabas ni tatay sa likod-bahay.
19. Dalawang beses pa lang akong na-ospital (yung critical sa tingin ko). Ang una ay sa Chinese Gen. Hospital dahil may bumarang bato sa bato ko, he he he. At yung latest lang, dito pa sa Dubai, sa Iranian Hospital, dahil sa matinding hilo. (addict kasi sa PC)

20. Punyemas! Alas dos na ng madaling-araw! Maaga pa pasok ko bukas! Matulog na!
Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .

Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to the comments via RSS Feed