Kagat Sa Kamay

January 28, 2006


Shadow_2
Ang sarap ng tulog nila kagabi, ako ay ganun pa rin. Nabangungot pa ako. Kinagat na
naman ako ng aso sa kamay ko. At tumutulay na naman ako sa ‘hanging’ kahoy…


Tama nga si
uncle, masakit ang kamay ko kagabi kaya iyon ang naging theme ng panaginip ko. Pero, mga sampung
beses o mahigit pa ako nanaginip ng kinakagat ng aso sa kamay. Ano kaya iyon?

Iniingatan
ko kasi ang kamay ko nang husto. Guitar teacher kasi ako. Ito ang sabi nga nila: puhunan ko. Ligtas
ako lagi sa hugas ng pinggan pagkakakin ng tanghalian. Bawal magbuhat ng sobrang bigat. Pero noong
tinibag ang bahay namin (renovation na naman) I have to help my dad sempre, but still, may
todo-gloves ako nun! Walang gasgas dapat afterwards.

 

Ganun ako kaarte noon. Hawakan mo
kamay ko at mas malambot pa sa kamay mo. Hanggang ngayon din naman. May baon akong 2 sheets ng sand
paper para sa mga kuko ko at paubos na nga eh. Alam naman iyon sa bahay dati, pag malapit na ang
exam sa guitar, practice ako lagi. Eto yung mga piyesa at lugar:

 

  1. Sampaguita, habang
    pinapatulog ang pamangkin ko
  2. Leyenda ni Albeniz, habang
    nanonood ng laban ni Pacquiao
  3. Allegro Spirito ni Guiliani,
    habang nagtitinda ng watusi at lusis dahil pinatao ako sa tindahan nina Kuya
  4. Julia Florida ni Barrios, habang brown-out dahil binagyo at binaha ang bahay
    for the first time
  5. Allegro ni De Murcia, habang naghihintay ako
    kay Juvy sa Interface Computer College dyan sa Recto
  6. Studio 15
    ni Sor, habang nakikipaglamay sa Pangasinan.
  7. Grand Overture ni Guiliani, sa school hanggang sa magsara at umuwi na si Dean Harold
  8. Capricio Arabe ni
    Tarrega, habang hinihipan ko ang mainit na sabaw ng Nissin Cup Noodles sa kusina.


Nakaka-miss ang practice. Hindi maramdaman ang sakit noon. Ngayon, medyo ramdam ko
na. Panay pa kasi internet. At nahagip ako ng ceiling fan last November 2004. Don’t worry ‘nay,
hindi po naputol!


Shadow_1

Ingatan ang kamay, dalawa lang iyan.

 

 

Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .



Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

January 2006
M T W T F S S
    Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Most Recent Posts