Naging Tanga Ka Rin Minsan

January 25, 2006


Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay alam mo na kaagad
ang gagawin o iisipin mo, lalu sa mga bagay na ngayon mo lang nasilayan. First
time kumbaga. Masasabi kong tsamba o beginner’s luck pag naging okey ka sa
simula. Kadalasan ay semplang tayo o bloopers lagi sa umpisa. May mga instance
din na hindi natin maintindihan, nakakaranas tayo ng mga (nakakatuwang)
aksidente kahit pa sa pinaka-simpleng bagay. Huwag mag-alala, nagiging tanga
talaga tayo minsan.
 

 

Ang Walang Hanggang Hagdanan


Lex_2Eto na, mag-e-enroll na ako sa Music. Sa Philippine
Women’s University sa Taft. Okey naman ang sim
ula, pila dito, pila doon, bayad
dito, bayad doon. Ang pag-akyat sa Music
Dept. sa 4th floor ang
nakakalito. Sa totoo lang, maraming hagdanan sa PWU. Hindi umubra ang natutunan

ko sa
boy scout o maging ang navigation ko sa nautical, naligaw ako ng todo.
Napunta sa high school
dept, napunta sa chem. lab, bumalik sa pinanggalingan,
tanung na
ng tanong kay manong the guard, pero ganun pa rin—naligaw ako. Hindi
ko naman masasabing h
indi ako marunong sumunod sa instructions. Sa palagay ko
nga’y naging tanga lang ako.

 

Lex_1Ang mga hagdanan sa PWU ay masasabi ko na parang mga solusyon
sa problema sa buha
y. Sadyang marami
kang pagpipilian. Puede kang
umakyat at bumaba sa side na ito; Short-cut o
long-cut dito…
he he he. Pero isa lang din naman ang patutunguhan. At ganun
tayo minsan, gusto natin lagi sa mabilisang solusyon.
Puede namang doon na lang
dumaan, pinagpipilitan pa rin sa mas mabilis o sa mas mabagal. Yun n
ga lang minsan
sa kakamadali ay lalo lang tumatagal o naliligaw.

Pero mga repapips, wala nang
tatalo pa sa fire exit, ito ang pinakamabilis
na way paakyat ng College of Music.

Risky siya pero kailangang magmadali
dahil late na ako eh!

 

Tear Here 

 

Lex_14
Ang favorite kong
 pagkain sa recess dati noong elementary,
ang Zest
-O at cheese cupcake. Mapag-usapan ang Zest-O, mahirap naman talagang
isuksok ang
straw di ba? Minsan lumalagos sa kabil ang side, minsan naman
dumadausdos at matu
tusok ka pa. “Tanga!
Ganito lang ‘yan…”
sabi ng classmate ko. Ang ginawa nya ay pinisil nya muna
at sa isang mabilis na stroke…iyun! pasok ang straw. Galing naman! Sa
pagmam
adali minsan, babaliktarin mo lang at doon itusok ang straw, hindi mo nga
lang maitatayo.

Excited lang talaga minsan, kaya hindi na nakukuhang
basahin ang instructions: TEAR HERE. Malinaw naman ang pagk
akasulat. Sa chippy
o kit-kat sa kakamadali, you’ll end up na sasabog ang laman at konti na lang
ang matitira. Tangeks kasi. Pero next time for sure, gagamit ka na ng gunting.
N
aging tanga ka lang talaga minsan.


 

B14Sa pagluluto ng pancit canton or any instant food, minsan
nababaligtad natin ang procedure. Yu
ng instant mami ay nagiging pancit canton, yung
pancit canton ay nagiging instan
t mami, hindi nade-drain ang sabaw pag Yaki
Soba at nagiging Yaki Soba ang Nissin Cup
Noodles. Instant na nga, nagkakamali
pa, ewan ko ba! Order na lang kaya kay Ida’s Pancit Malabon? Huh, minsan naman,
nakakalimutang patayin ang kalan, ang dapat na fried chicken ay nagiging
grilled chicken. Ingat lang baka maging cause ng sunog. Nakakalimutang ko ring alisin
minsan ang balat na plastic pag magpiprito ng hotdog.

Huh, eto na naman po tayo
sa
malatang kanin sa tanghalian, napasobra ata ang tubig. Ano ito, lugaw? He he
he. Paabot naman ng tokwa.

 

 

Tingin Sa Malayo
 

B4
Wow, bago bike ah! Kuya ko ang
unang nagkaroon ng bike sa
aming magkakapatid. Binigay sa kanya yun ni nanay nung grade 5 sya. Papaturo
sempre ako. Paglipat namin sa Carville Homes, dahil sa patag at sementado ang
kalsada, ang sarap atang mag-bike. “ Tingin sa malayo…”, yan lagi ang sabi ni
Kuya. Ganun, araw-araw nag-aaral akong mag-bike. Semplang, sugat at g
rasa ang
binigay sa akin ng bike. Nagpakatanga muna ako bago matuto. In the beginning,
loser ka muna. Parang si FPJ, nagpapabugbog muna then, maya-maya ay babawi ng

pompyang at sunud-sunod na suntok sa tiyan and finally sa mukha.


 

Hammer
Naalala ko rin y
ung pinsan kong si Ramil, tinuturuan ko
siyang mag-drive, gamit yung owner jeep namin. Yun nga, paliko siya nun…” ohh!
Bawi… preno!” Imbis na preno, yung gas pedal ang natapakan, kaya iyun shoot sa
kanal ang isang gulong. Pero ngayon marunong na siyang mag-drive, 4 x 4 pa ata
sa
Saudi Desert.

Whoa! Kaya please lang,
tanggapin ang salitang “ta
nga” sa umpisa. He he he. 

Ang bad trip lang ang iyong nagmamagaling masyado, bagito
pala naman. Iyon ngang sa paggi-gitara ko ngayon, I’m not saying na magaling
ako, may alam lang…Hiyang-hiya pa rin ako ngayong magdala ng gitara sa labas.
Di tulad nung iba na complete with tattoo and long hair, banban naman pala.

Kaya,
I prefer na magmukhang tanga na lang pero may laman naman ang utak kahit
papaano.

 

 

Celfone Ng Bayan
 

Lex_hagis_2
Wala nang iba pang hihigit sa popularidad ng mga mobile
phone o “celfone”. Halos lahat ng tao
ngayon ay mayroon ng ganitong gadget. Kahit nga si Mang Mario na nagtitinda ng
dirty ice cream ay patext-text lang din at pati yung suking magtataho ng
pamangkin ko, mas bago pa sa model ng celfone ni Ate. Heto na po tayo, wow!
Bagong celfone natin ah! Kalikot doon, pindot doon,
forward message, Bluetooth
dito, infrared doon.

Eh, biglang may tumawag…(nag-ring pa nang super-lakas) paano ba ito sasagutin? Iyon
napindot ang pula, na-drop call tuloy he he he. Minsan naman, ang hindi ko pa
rin talaga maisip kung bakit nangyayari: “Ang
Wrong Send ”
. Bakit ba nagiging ganun? Pang-inis ba yun o intentional lang?
Kadalasan pa itong nagiging sanhi ng away ng mga magsing-irog di ba? (hindi kasi nag-iingat eh) Uy, basta “miss call” mo na lang ako pag naroon
ka na ah? Eh pag-miskol
ko ay sinagot ba naman! he he he….sayang at buwisit,
nabawasan tuloy ako ng load.


 

Lex_foot
Tambok ah…yung mobile na bumabakat sa mga jeans. Kaya
tuloy naku-kursunadahan ng mga magnanakaw. Kaya ako yung celfone ko ay
nakalagay dati sa medyas ko (may strap
naman iyon)
. Nadadamay pa tuloy ang ilang pasahero sa dyip pag may isang
panay kalikot at kunwa’y may kausap, nananakaw rin ang celfone ng ilan. 3210 na
nga lang ay nadale pa!

Ang ilan naman ay ewan ko ba kung masasabing aksidente.
Nasasama sa washing machine, nalalaglag sa timba ng tubig, nashu-shoot sa
toilet bowl, naiiwan sa CR, nahuhulog sa bulsa, nauupuan, nababagsak (take note: sa stairs pa yun minsan, kaya
nauuna pang bumaba ang mobile, he he he)
, na-sim block, ganun. Kahit na
water resistant, wag mong subukan lalu na sa dagat, walang matibay na mobile sa
alat. Kahit na rin shock proof, sige subukan mo sa pison.

 

Text mo nga pala ulit sa akin yung tungkol kay Susan,
na-delete ko yung message eh!

                                                

 
Alarm Clock
 

Lex_9
Bakit hindi nag-alarm?!! Naman! Imbis na 7
:00 A.M. ay sa
7:00 P.M. pala nai-set. Iyan tuloy at nagmamadaling maligo. Sige, pihit ng
shower… pucha ang init!

Pula pala yung napihit ko! Siguro naman, mag-iingat na susunod. Huwag kasing
magmadali. Ganun din naman, late ka na rin. Hustuhin mo na, he he he. 
 

 

Sige, relaks lang. At pagdating naman sa workplace ay napansin
mo na magkai
ba pala ang medyas mo. Minsan, magka-iba ang pares at minsan  naman
ay
Lex_socks_1

yung isa ay  baliktad, yung isa hindi. Pero wag lang magkaiba ang sapatos o
sandals ha? Weird na y
un. Unacceptable in some reasons, he he he. O, ingat lang
sa pagkakabit ng buttons sa polo, naging manhid na nga ang plantsa eh palpak pa
roon. L
alo na sa mga girls, i-check muna ang butones ba o bitones? Baka ma kita
ang nanay mo. Saka baka mapulupot ang strap! Kita iyon for sure — sa likod.


 

Bakit parang hindi ata matigas ang buhok mo ngayon? Wala
ka na bang gel? Meron yan, petroleum jelly lang ang nailagay ko! Okey na yan,
yung iba nga ay yung cream sa pang-ahit. Hu
y, tita! Bakit parang lipstick ang
nakalagay dyan sa mata mo? Huh, ginawang eyeliner ah, grudge-look ka tuloy.
 

Pero dyahe talaga pag nakalimutan mong bukas ang zipper
mo.     FIN

 

 

Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .



3 Comments Add your own

  • 1.    geL  |  July 12th, 2007 at 1:37 am

    wow…nkakatawa tlga tong article mo….sobra….,,, iniidolo tuloy kita… hehehe sna mag repz u… kzi gzto kta mging frend,, pwede? gsto ko kzing mging isang mgling n writer…so hingi sana me advice sa u at paturo,,,hehehe may frienster po ako,,, gexy_8@yahoo.com

    gex’z_gel

  • 2.    arens  |  October 10th, 2008 at 10:30 pm

    ui gling gling… ang pagiging TANGA rin pala ay pagiging MATALINO…. ahahha mas magandang tanga nohH?? aahahhah….

  • 3.    gago  |  October 17th, 2008 at 1:04 am

    gago hahaha

Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

January 2006
M T W T F S S
    Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Most Recent Posts