Ang Ambag ni Luis

February 14, 2006


Nakapili na ako ng sapatos at pipila na ako sa ‘counter’ upang ito’y
bayaran. Sa mga sandaling iyon, pagkabayad ko, naghulog ako ng konting
barya doon sa lata. Nag-ambag ako, Ka Igme. Pero hindi bukal sa loob
ko, nakita ko lang kasi ang mga
nakakaawang larawan doon sa lata. Bakit ganun na lamang ang aking pag-aalala at bakit parang napilitan lang ako.

Paglabas
sa pamilihan ay nakita ko naman itong matanda na nakahandusay sa aking
nilalakaran, "palimos po..", binigyan ko rin pero nainis ako pagka-abot
ko ng 2 piso. Bakit ganun? Nagbibigay ako ngunit mayroon akong mga
kakaibang nararamdaman. Paano ba ang maging bukal?


Ani ni Ka Igme:

 Ang
iyong mga nararamdaman ay hindi naman talaga inis o hindi sa napipiltan
ka lang. Bukod doon ay iniisip mo ang mga dahilan kung bakit sila
nagkaganun. Nainis ka dahil ikaw ay may sapat na pangangailangan at
sila ay wala. Kahit saan natin dalhin, sila rin ang may sala kung bakit
sila nagkaganun. Nasa tamang pag-iisip at pagtanggap ang dapat na
umiral sa kanila.

Hindi mo na sakop ang kanilang mga pagsisisi.
May mga pagkakataon din naman ang dumaan sa kanila ngunit ito’y
kanilang pinalampas. Walang malas o suerte sa mundo. Mayroon lang
tayong kanya-kanyang papel o gagampanan. Kung gusto mong maging pulubi,
magiging pulubi ka talaga. Kung gusto mong maging matagumpay, magiging
matagumpay ka talaga.

Ang bawat pagkukulang ng kapaligiran sa
atin ay hindi mo na dapat binibigyan ng kahulugan. Magpatuloy ka.
Iwasan ang pagbibigay lalo na kung ang binibigyan ay panay lamang
tanggap. Maging ehemplo sa bawat kilos. Isipin mo na lang mga paraan
kung paano nila maiisip ang mas tamang kasagutan sa kanilang katanungan.

     Naging mabuti ka pa rin, Luis. Dahil nakaramdam ka nang ganun.

Entry Filed under: Si Ka iGme at ang Kanyang Higanteng Alaala. .



1 Comment Add your own

  • 1.    Edwin  |  February 15th, 2006 at 4:26 pm

    lalim naman nito are u back in manila? kmusta?

Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

February 2006
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728  

Most Recent Posts