Ang Pusa Ni Letty
February 14, 2006
Tungkol ito sa aking nawawalang pag-asa sa buhay. Lumipat ng
ibang tahanan ang aking pusa na inalagaan ko nang halos apat na taon. Nakayanan
ko ang ilang mga buwan ng pagkakalayo naming dalawa. Ngunit masakit para
sa akin na makita ko na may iba nang humahawak at nag-aalaga sa aking dating
pusa. Sinubukan kong mag-alagang muli ng pusa ngunit ito’y lalu lang nagpasama
sa sitwasyon. Ang dating araw-araw na pag-iisip ko sa kanya ay naging
minu-minuto. Masakit na parang hindi ka na makahinga. Naiipit ako sa bawat
hakbang ng panahon.
Ani ni Ka iGme:
Naiintindihan ko ang iyong kalagayan, Letty. Idilat ang mata at sumakay sa
aking higanteng alaala. Naalala mo pa ba noong ika’y tinuturuan ng iyong ama na
mag-bisikleta? Ang sabi lagi niya sa iyo ay "tingin
sa malayo", ngunit ano ang iyong ginawa? Nagpatuloy ka pa rin sa
pagtingin sa manubela at padyakan at ikaw noon ay laging na lang natutuwad
at nababangga.
Ang manubela at padyakan
ay walang pagkakaiba sa iyong pag-aalala at walang humpay na pag-iisip. Hindi mo
malalampasan ang bawat pagsubok kung patuloy kang yuyuko at mangangamba.
Ang pagtingin sa malayo ay isang paraan para
umusad at magkaroon ng bagong hinaharap at para maging handa sa anumang bagay
na makakasalubong o makakasagupa.
Entry Filed under: Si Ka iGme at ang Kanyang Higanteng Alaala. .
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to the comments via RSS Feed