Hanggang Kailan
February 28, 2006
Hanggang kailan mo titiisin ang mga paratang at mga masasakit na salita na naririnig mo?
Hanggang kailan kaya magtatagal ang labanang Channel 2 at Channel 7?
Hanggang kailan mo babasahin ang mga forwarded messages sa iyo?
Hanggang kailan ka aasa na magbabalik pa ang mga pinalampas na pagkakataon?
Hanggang kailan sa tingin mo ang paglubog at pagsikat ng araw?
Hanggang kailan kaya tayo magta-trabaho sa isang kumpanya na mali ang trato sa atin?
Hanggang kailan mo sasabihin sa akin na mahal mo ako?
Hanggang kailan ba ang buhay ng laptop ko?
Hanggang kailan mo iisipin na kailangan talaga ang pera sa buhay natin?
Hanggang kailan mo ba kakamutin ang di mawala-walang kati sa likod?
Hanggang kailan kaya niya matatapos ang nasimulang pangarap?
Hanggang kailan ang ilalagi ng mga tao sa hindi sariling bayan?
Hanggang kailan kaya ang ideyang People Power?
Hanggang kailan kaya tayo maghihintay ng sagot sa mga tanong sa loob ng isipan at damdamin?
Hanggang kailan mo maririnig ang ingay sa paligid habang ikaw ay nagpupumilit matulog?
Hanggang kailan ka ba mag-aaral sa hindi mo naman gustong kurso?
Hanggang kailan mo mamahalin ang taong nanakit na sa damdamin mo?
Hanggang kailan ko ba makikita ang ceiling fan pagkagising ko sa umaga?
Hanggang kailan mo ba babayaran ang utang mo sa credit card?
Hanggang kailan mo ba kakantahin ang "My Way" ?
Hanggang kailan mo kakainin ang mga bawal sa kalusugan mo?
Hanggang kailan mo ba tutugtugin ang gitarang hindi pa rin napapalitan ng bagong kuwerdas?
Hanggang kailan ko ba maaamoy ang putok sa kili-kili ni Manong?
Hanggang kailan mo ba itatanong ang "Hanggang Kailan" ?
Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .
1 Comment Add your own
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
1. Roselle | March 23rd, 2006 at 5:52 pm
puro ka pa rin kalokohan! hehehe