Maalaala Mo Kaya?
February 21, 2006
Tanggapin natin na may hangganan ang isip natin. Hindi naman
natin lahat kayang matandaan. Nakalahad dito ang iba’t-ibang sitwasyon o
pangyayari na nasusubukan natin ang hangganan ng ating isip:
Kasama mo na nga palagi ang kaibigan mo (o
asawa mo), nakakalimutan mo pa rin ang pangalan niya at tinatawag mo pa siya ng
ibang pangalan? Parang si nanay ko, tatlong pangalan na ng kapatid ko ang
nabanggit niya, saka nya palang masasabi ang pangalan ko. Saka pag iniisip
natin ang pangalan nung tao na biglang nakita o napadaan…”sino nga ba yun?”.
Laging nasa dulo lang ng dila. Mabuti pa yung dila, may utak. Ang utak, walang
utak.
Pupunta ka dapat sa CR, pero bakit bigla
kang dumi-derecho sa kusina at bubuksan pa iyong ref? Parang yung kasama ko sa
inuman dati, tumayo at nag-paalam na iihi lang daw. Pagbalik ay ito ang sinabi:
“Wow, pare! Ang liwanag dun sa CR nyo at ang lamig pa!”, hindi niya alam na ref
namin iyong inihian nya. Ang lasing talaga, sobrang makalimot.
May solusyon ang ganitong mga pangyayari. Naalala ko ang lugar,
oras, araw at kung anu yung nangyari sa pamamagitan ng — mga kanta o
tugtugin. Tama! Sa mga musikang narinig nung panahong nagaganap ang mga
bagay-bagay sa atin.
Do you remember the time? Remember when? Maalaala mo kaya?
Eto na po ang ilan para sa akin :
1. Lupang Hinirang (Julian Felipe). Sempre naman, from elementary to highschool
di puedeng hindi ko makalimutan… ang pila na dapat “find your height”. Lagi naman akong sa harapan dahil pandakekoks
ako. Naalala ko rin yung nanood kami ng Southeast Asian Games, panay patugtog
nun lalo na pag naka-gold medal tayo.
2. It Might Be You (Stephen Bishop). T.G.I.S. sempre. Bobby Andrews at Angelu
de Leon. Eto yung time na nauso ang mga senti
songs sa kabataan na dati naman ay napapakinggan lang sa DZMB (FM station na
pang-matanda lang dati).
3. Twist and Shout (Russell). Ang version ng Beatles
sempre. Ito po ang una kong natugtog sa gitara, kasi D, G at A lang mostly ang
chords!
4. Symphony No. 5, 1st mvmt. (L.V. Beethoven). Eto yung first encounter ko sa classical music as
in na bumili pa ako ng cassette tape para dito. Eto rin yung time na
nagpa-plano na akong ilipat ang
credentials ko from University of the east to PWU para mag-take na ng Music
Degree. (Crew ako at that time sa Jollibee nito at walang ginawa kundi i-hum
ang music ni Beethoven)
5. Sonatas for Guitar (Manuel Ponce). CD ni Perf
de Castro iyon na ni-record ko sa cassette tape. At ito yung halos
araw-araw at gabi-gabi kong pinapatugtog. Mga unang buwan ko rin ito sa PWU
College of Music (June-August 1998)
6. At Tayo’y Mga Dahon (Asin). Naaalala ko si Ludwig Lagayan, ang classmate ko nung
highschool na unang nagpakita sa akin ng finger plucking sa guitar. Sumunod na
si Jose Evangelista, sa kanta naman
na “Anak” ni Freddie Aguilar. Grabe ang
curiosity ko noon. Paano kaya nila napapag-coordinate ang mga daliri nila? Thanks
guys!
7. Miss na Miss Kita (Father and Sons). Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng
kanta ay eto pa ang pilit na binubuo at tinutugtog nung bandang aksidenteng nabuo
nung high school. At isa pa, sa keyboards ako nailagay! Shame!
8. Cold Summer Nights (Francis M.). Of course, si Rammel Roque ang unang pumapasok sa isip ko. Kasi ito yung kinanta
niya sa harap ng classroom sa time ng Values Education (Mr. Villas, R.I.P.). At
ginaya ko si Ram at eto rin yung kinanta ko. Second year high school kami noon.
9. Sweet Child ‘O Mine (Guns and Roses). Dalawang Rommel ang naiisip ko lagi. Si Rommel Goballa (tropa ng mga ate ko) at
Si Rommel Fesalbon (sempre,
classmate ko). Wow, ang galing ng guitar solo ni Goba sa Sweet Child ah!
Hanggang doon nga lang sa first bars ng papuntang bridge (Em) at sempre yung bass
line naman ang kay Fesalbon, pamatay ang bass intro ah!
10. Forrest Gump OST (A.
Silvestri). Wala nang iba kundi si Michelle
Angela Sy ang naaalala ko. Siya kasi ang nagbigay ng kopya nun sa akin.
Saka ito nagbigay-daan at nagpakilala sa akin ng ilang music genres… kasi
talaga namang maraming resources itong si Michelle.
11. Paint It Black (The Rolling Stones). Bukod sa Tour of Duty na palabas sa Channel 7,
eto yung una kong tinuro sa Ate Joy ko na kanta sa guitar. Em? He he he.
12. I Need To Be In Love (The Carpenters). Si Juvy sempre ang naalala ko, kasi
ka-boses niya si Karen Carpenter eh! Huh, sa bench ng Interface Computer
College sa Kalookan, dun niya kinanta sa akin yun!
Ilan
lang ito sa dinami-dami ng kanta sa mundo na nakakapag-paalala sa akin ng mga
bagay-bagay noon.
Ikaw? Anong kanta o tugtog ang naiisip mo pag
naaalala mo ako? Isulat po dito sa comment, puede? Thanks!
Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to the comments via RSS Feed