Makuha Ka Sa Isang Salita
February 21, 2006
Sa dinami-dami ng sinabi mo, isa lang ang natandaan ko! Ayaw naman talaga natin minsan ng paliguy-ligoy pa…doon din naman pala ang punta. Kaya nga ako, hindi ako naniniwala sa mahahabang speech ni GMA. Sa dulo naman pala ay nangangampanya pa rin at nagpapabango.
Tayo minsan ay pinagbago ng "isang salita". Ito man ay galing sa nanay at tatay natin, mga kapatid, girlfriend o boyfriend, bestfriend, classmates, mga naging guro, batang paslit, palabas sa sinehan, commercial sa TV o radyo, forward e-mails, text messages, vandal sa pader, at kung anu-ano pang isang salita, isang short sentence or isang phrase…
…nagkaroon ito ng epekto sa buhay natin, naging pansamantala man o naging bahagi na ng buhay natin hanggang sa mga panahong ito.
At ang sabi sa akin…
(1) sabi ni nanay : " kung mag-aasawa ka ngayon, ano ipapakain mo? doon sa labas may graba’t buhangin –kainin nyo! "
- ito yung sinabi ng nanay nung ako’y nag-aaral pa at medyo naloloko sa pakiki-pag-Girlfriend. Magmula noon ay nagkaroon na ako ng takot sa pagde-desisyon. Sinusuri ko muna nang husto ang lahat. Kaya nag-aral akong mabuti, para mapag-handaan ko ang magiging buhay ko sa mga susunod na panahon. Salamat ‘nay!
(2) sabi ni tatay : " Water seeks its own level. "
- ito ang madalas na sinasabi ni tatay pag tumutulong ako sa kanya sa pagsusukat habang ginagawa ang bahay. Para sa akin, hindi iyon naging isang scientific term. Naging sukatan ko iyon kung nasaan na ba ako sa mga pinag-sisikapang goal. Kapag na-meet ko na ang goal ko sa isang bagay, magiging pantay na ako, sa madaling salita — tagumpay! At simula uli ng panibago. I’ll seek my own level…again.
(3) sabi ni Kuya Roland : " Dapat 10 years ahead ang plano at ang isip. Anticipate…"
- ganun nga ang ginawa ko, anticipation sa mga bagay-bagay. Nung tinuloy ko sa Bachelor of Music ang MTD ko sa PWU College of Music, everday kong binabasa ang mga plano ko sa buong taon. Ang mga subjects na posibleng mag-open, schedules, ganun. Sa awa naman ng Diyos, natapos ko ng tatlong Trimester at isang Summer ang BMME.
(4) sabi ni Kuya Vic : " Kapag kinakabahan sa isang bagay na alam mong mali, huwag mo nang ituloy."
- kaya naging maingat ako sa critical at di siguradong mga bagay. Nakaiwas tuloy ako sa mga di inaasahang pangyayari. Dala-dala ko lagi ang pananaw na ito.
(5) sabi ni Juvy : " Rolling pin…"
- isa lang ibig sabihin nun, "good boy" ka dapat kung hindi…rolling pin ang magiging katapat! he he he. Atleast, may guidance ako.
(6) sabi ni Manong Guard : " Akin na iyang resume mo, tatawagan ka na lang namin…"
- kaba sa dibdib at pag-asa lang ang nasa isipan. Kung hindi man, maghintay ulit ng Manila Bulletin sa isang linggo.
(7) sabi ni Edwin ng PCNI : " Lex, ikaw ang napili nila…"
- di ko alam kung tuwa o inis ang naramdaman ko. Tuwa dahil natanggap ako sa trabaho at inis dahil malalayo ako sa mga mahal ko sa buhay.
(8) sabi ni Van Arreola : " Kung bibili ka ng gamit, dapat alam mo kung saan mo talaga gagamitin."
- sa mga gadgets o mga latest technology ngayon, naging particular na ako. Kung digital camera, digital camera lang. Kung Mp3 player, Mp3 player lang. Wala na akong amor sa pagbili ng mga gamit na may MULTI-functions.
(9) sabi ni Rolando Padua : " Ayaw niya sa kama, mas gusto niya sa papag."
- ano ba talaga ang ibig sabihin nun? Isa lang ang naramdaman ko noong time na sinabi niya iyon sa akin — panghihinayang at galit sa mga taong walang pakialam sa pinapakitang pagsisikap.
(10) sabi sa harap ng pintuan ng CR : " Out of Order "
- punyemas, paano ba ‘yan? ebs na ebs na ako! …Tigok!
itutuloy…
Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to the comments via RSS Feed