Sino si Ka Igme?
February 14, 2006
Si Ka Igme ay isang malupit na manghahango ng mga naiwang
alaala, mahusay sa paglalahad ng mga payo sa mga nalulugmok na kaisipan at
kalokohan ng mga nilalang sa mundo.
Isang henyo, dahil ang ginagamit niyang paraan sa pagbubukas at pagsasara ng
mga komplikasyon sa buhay ay ang mga nakikita lamang sa ating kapaligiran tulad
ng alon sa dagat, dahon ng kalamansi, sirang mikropono, ilang hibla ng buhok
pagkaligo, natuyong sarsa sa hapag-kainan, bakat ng siko sa hita habang nakaupo
sa kubeta at marami pang iba.
Saksihan ang pag-ibig ng mga langgam sa asukal at ang ilang minutong buhay ng
mga lamok sa ilalim ng papag. Kulang ang iyong isang oras sa paglalakbay sa
mundo ng mga may pakialam sa mundo. Magpatuloy sa pagbabasa dahil sa mga panahong
ito ay si Ka Igme lamang ang makakaintindi at makakasundo mo kahit na walang
kaharap na serbesa.
Subukan mo. Ang katanungan ay siya ring kasagutan.
Maglibot at maglahad.
Entry Filed under: Si Ka iGme at ang Kanyang Higanteng Alaala. .
1 Comment Add your own
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
1. cuTieguRL-cHeN | March 1st, 2006 at 5:10 am
ganda ng posts ah! hehe.. gudLuck po! tc aLways! god bLess.. n_n