Ligaw Na Bala

April 19, 2006

 
Umiyak ang isang
mata ko kanina dahil natusok ng isang nagpapanggap na karayom. Mabilis ang
naramdamang sakit. Ang gara ng pakiramdam kapag ikaw ay nasa gitna ng
paghuhugas ng plato tapos biglang nagkaganun. Ako naman talaga ang sa tingin
ko ang may kasalanan. May pumutok lang na bula noong mga oras na iyon. Nagulat
ako at iyon na ang nangyari.

 

Pero ang pangamba sa tunay kaya ako lumiham sa iyo ay ito: May isang naligaw na bala raw na
pumasok sa bahay namin. Iyon ang sabi sa akin ng kapit-bahay ko. Nahihilo ako
sa mga oras na iyon kakahanap sa bala at alamin kung saan iyon nagtungo.

 

Hanggang sa may
pumatak na dugo sa sahig.

 

 

Ani ni Ka Igme:

 

Hindi mo talaga
malalaman ang mga bagay na darating sa iyo. Ngunit mapapaghandaan mo naman ito.
Ito rin ang sanhi ng ilang kamatayan sa isip ng ilang nilalang. Hinahanap nila
ang balang ligaw sa bawat sulok ng daigdig. Ngunit ito ay nakabaon na pala sa
kanila.


Entry Filed under: Si Ka iGme at ang Kanyang Higanteng Alaala. .



Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

April 2006
M T W T F S S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Most Recent Posts