Favorite Number ni LORD

May 5, 2006

god

 

 

Number 2
ang favorite number ni Lord. Simple lang. Huwag na tayong lumayo at
magpakalalim. Tingnan mo na lang iyang katawan mo. Ikaw ay mayroong
dalawang:
   

   

Mata (pero isa lang ang ginagamit kapag naninilip)   

Tainga (pasok sa isa, labas sa kabila)   

Ilong (madalang magbara ang dalawang butas ng ilong ‘pag may sipon)   

Kilay (sagwa naman kasi ‘pag isa lang)   

Kamay (nasubukan mo na bang magkamot na sabay ang dalawang kamay?)   

Braso (paakap naman)    

   

Sa paligid-ligid, saksi ka sa mahiwagang numero na ito.       

Ang halos lahat ng mga hindi mo napapansin kadalasan ay kinapapalooban ng number 2 na ito…    

   

Re-send mo naman yung e-mail tungkol kay Diana Ross at Lionel Richie.   

You got (2) missed calls. Kanina ka pa hinahintay, baka gusto mong bilisan?   
Tawagan mo nga ulit iyong Pizza Hut. Mag-iisang oras na ah, gutom na ako. 
Sa ikalawang sigaw ni Nanay lagot ka na!   

Teka lang, dalawang kagat na lang itong pizza ko, pariyan na.    

   

Ayos na ako. Hilo na ako. Pangalawang bote ko na ito ng Red Horse. 
Kasi ba naman ay sinamahan mo pa ng dalawang balot.   
Paki-init nga iyong ulam kaninang tanghali.   
Miss, isang extra rice.   

Pucha pards, 2:00 am na! Maaga pa pasok ko sa school mamaya!    

   

Monitor cable? Doon ka na lang bumili sa surplus shop. 
Refurbished iyong nakuhang laptop ni Den. Kuripot talaga yung taong yun.   
Pero ‘wag ka, Intel Core Duo ang processor nun!   
Maingat ang gumamit nitong na-iskor mong oto ano? Babae siguro ang may-ari.   

Oo. Babae ni Mang Tony. Mistress.   

   

Second course ko ito. Hindi ko naman talaga gusto ang Accounting, si Nanay kasi. 
Pinakamataas ko atang nakuhang grade sa Accounting ay 2.0.   
Sana ay i-offer ang Biology sa second sem ano?   
Baka naman si Miss Tinu ulit ang prof natin. Siguradong bagsak ulit ako dun!   

Ipasa mo na iyang board exam na iyan…wala ng ikatlo ha? Mahiya ka naman kay nanay.    

   

Together again? Para kayong Guy and Pip ah? 
Love is lovelier the second time around. Maaari ngang tama ang ganun.  Two-timer itong si Luis. Karma.   
Ikakasal na si Susie? Halos two months pa lang sila ni Momon ah?!   

Dalawang buwan na kasi iyong tiyan.   

   

Naniniwala talaga ako na ang favorite number ni Lord ay ang number 2.   

Kaya mga repapips, magkita-kita ulit tayo — sa ikalawang buhay.


Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .



Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

May 2006
M T W T F S S
« Apr   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Most Recent Posts