Ikaw Ang Aking Buhay
May 2, 2006

Kinakain ko ang
iyong pagkain sa plato kung sakaling nawalan ka na ng gana kakaisip sa binagsak
na exam sa school.
Hatid-sundo ka
palagi at kadalasang libre ka pa sa Jollibee.
Kasama ka lagi ‘pag
may mga party akong pinupuntahan.
Pinapagamit at
pinapahiram ko sa iyo ang aking suklay kahit na anong oras.
Binibigyan kita ng
regalo—mayroon o walang okasyon.
Pinapayungan kita
‘pag mataas ang araw at tuwing umuulan.
Binabasa ko ang mga tula mo na kahit minsan ay wala namang katuturan.
Tatlong beses kong
binabanlawan bago ibabad sa downy ang bawat damit mo tuwing ako’y naglalaba.
Tinatanggal ko pa
ang munting dumi sa iyong makulay na blusa at maging sa iyong buhok.
Inaawit kong pilit
ang theme song mo kahit sintunado naman ang boses ko.
Nagluluto ako ng
adobong manok ‘pag nagsawa ka na sa karneng baka at baboy.
Ako na lang ang
pipila sa pag-verify ng birth certificate mo sa NSO habang ikaw ay nakaupo at nakikinig
sa bagong biling mp3 player.
Nakakatulog pa rin
ako kahit na nasa iyo ang unan ko.
Pinapaki-usapan ko
ang tindera na ‘wag lagyan ng pickles ang hamburger mo dahil ayaw mo ng may
lasang maasim.
Bibilhan kita kaagad
ng bagong sinelas kapag nasira ito sa kakatakbo tuwing hinahabol ka ng aso ng
kapit-bahay.
Hinahayaan kitang mag-Internet
kapag nakabawi ka na sa nabagsak na exam sa school.
“Anak, tawagin mo
na nga ang tatay mo. Sabihin mo na nakahain na ang tanghalian…”
Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to the comments via RSS Feed