Brain Tumor Theory

October 15, 2006

            

brain

   

         

Nakita ko ang solusyon sa matagal kong pagkakalugmok sa sariling isipan.

 

Ako
kasi ay alipin ng mapanlinlang na mga pagkakataon. Naging maalat ang
bawat patak ng natunaw na asukal sa aking mga labi. Tuluyan nang
nagsawa ang mga mata sa pagtagas ng mga luha. Napudpod na ang mga
sinelas sa paglalakbay sa mga lugar na hindi naman dapat pinupuntahan.

 

Kunwari
na lang ang bawat pagtanggi sa tunay na nararamdaman ng naghihirap ng
puso. Kahit ang pagsang-ayon sa madaling katanungan ay hindi na kayang
gawin.

 

Sino ba ang mag-aakalang masisinagan pa ng liwanag ang madilim kong nakaraan?

 

Ang Brain Tumor Theory
ay ibinahagi sa akin ng isa sa mga tinatago kong kaibigan noong 1997.
Ito ay binubuo ng ilang simpleng paraan ngunit naglikha ng guhit sa
aking patag na pag-iisip. Matalas at maaasahan hanggang sa tuluyan mong
maramdaman ang wala.

 

Mas nanaig ang BTT (Brain Tumor Theory) kaysa sa SST (Social Suicide Theorem). Kumpara sa SST, walang halong pisikal ang BTT — walang kutsilyo, walang lason, walang baril, walang lubid, walang bangin, walang malalim na ilog at walang suicide note.

 

Ang tumor, sa karaniwang paliwanag, ay dapat na tanggalin at lusawin. Ngayon naman, ang BTT ay kabaligtaran ng lahat. Ang mangyayari ay “lalagyan” mo naman ng tumor ang sarili mo – sa utak.

 

Itatanim
mo sa isip mo na ikaw ay nagtataglay ng ganitong sakit. Papaniwalain mo
ang sarili o maging ang ilan sa mga tao sa paligid na dala-dala mo ang
ganitong uri ng komplikasyon.

 

Samahan
mo pa ng matinding sintomas. Ang simpleng migraine ay katumbas dapat ng
isang libong pison na gugulong at pipisa sa ulo. Matinding sakit na
ikamamanhid ng buong mundo mo.

 

Ang mga ilang epekto ng Brain Tumor Theory:

 

(1) Mapapahalagahan
mo ang bawat pagkakataon sa buhay mo dahil maaaring hindi  ka na
humihinga bukas. Bawat araw ay puno ng pagmamahal.

 

(2) Mapapatawad
mo ang lahat ng tao na nagkasala sa iyo. Hindi ka na magtatanim ng
galit sa kanila dahil bilang na ang bawat sandali. Hindi sasayangin ang
araw sa hinanakit at kumukulong dugo.

 

(3) Makikita
mo ang tunay na liwanag at kulay ng buhay. Bibigyan mo ang sarili mo ng
oras para makita ang nasa likod ng iyong tagumpay. Hindi ka na muling
magyayabang.

 

(4) Magiging
kalmado ka sa bawat ingay at sigaw ng kapaligiran. Ang katangahan at
kamanhidan ay magsisilbing ka-alyado dahil ni isang salita ay wala kang
sasabihin. Walang reaksyon na maaaring ikasama ng mga tao sa paligid.

 

       (5) Habang
dala-dala mo ang iyong tumor, dala-dala mo lagi ang pag-asa sa buhay.
Positibong pananaw habang gumagana pa ang iyong natatanging sarili.

 

Isang makapangyarihang imahinasyon ang kinakailangan sa isang makapangyarihang sakit — na dulot ng pag-big.

 

Iyan ang Brain Tumor Theory.


Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .



1 Comment Add your own

  • 1.    michelle'czena'  |  September 27th, 2007 at 8:43 pm

    may friend aq n may brain tumor ang hirap kc mlau xa akin d q alam kng pnu q xa m22lungan hnngang pag iyak nlng ang nggwa q..

Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

October 2006
M T W T F S S
« May   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Most Recent Posts