
“ Darling, kasabay ko si Ronelly lagi sa taxi pag umuuwi ako lalo na ‘pag gabi na.”
Ronelly? Normal lang naman na magtanung ako kung sino o ano yung Ronelly na yun. Naging panatag naman ako dahil sa babae pala iyon at sempre mas ayos naman talaga sa paningin at sa pananaw ng iba. Ronelly ay pangalan ng babae.
“
Darling, kasama ko sina Abby, Nelly at ilang ka-officemates ko dito.
Baka gabihin ako nang uwi. Mabuti na lang at kasabay ko si Nelly kaya huwag kang mag-alala…”
Nelly? Siyempre automatic naman na nickname yun ni Ronelly. Kaya hindi ko na tinanong kung sino iyon.
“ Darling, may overnight kami. Magtse-check-in kami sa hotel at bukas na ako uuwi. Kasama ko dito sina Abby, Nelly James…
Nelly James? Inisip ko kaagad na si Nelly James ay si Ronelly din. Uso naman kasi ang two names di ba? So, I assumed na Ronelly James ang buong pangalan ni Nelly.
“
Darling, I’ve attached some pictures dito sa e-mail ko. Kuha ito noong
overnight at nung ilang activities namin. Iyong katabi ko lagi sa
picture ay si James…”
James? Oops!
Kinabahan ako nang kaunti. Nagselos nang kaunti, ganun. Initial
reaction ng isang tulad ko ay ang magtaka. Bakit sinabi ng darling ko
na babae si Ronelly? Ang sweet pa nila sa mga pictures. Tsk…tsk…tsk…
Binalikan ko ang mga e-mail ng darling ko at ang mga una kong binasa ay ang mga tungkol sa pag-uwi niya ng gabi. Si Nelly nga ang madalas niyang kasama. Ang unang pumasok sa kukote ko: si Ronelly James ay isang lalaki — ang madalas kasama ng darling ko.
“Hu hu hu” ang una kong nasabi.
Isang e-mail ang nagpatunay na mali ako at mali rin ang darling ko. Ito yung isang pangungusap sa e-mail nya:
“Dala
ko lang na damit ay jogging pants at t-shirt tapos isang polo shirt
para pag-uwi bukas. Apat lang po kami, si Abby, Nelly James at ako…”
Ako
ay naging mali dahil nakasulat pala na: “Apat lang po kami…” kaya dapat
naisip ko na hindi isang tao ang dalawang pangalan na iyon (Nelly James).
At ang simpleng mali naman ng darling ko ay hindi siya naglagay ng kuwit or comma sa pagitan ng dalawang pangalan.
Dapat sana ay: “…si Abby, Nelly, James at ako.”
“Ha ha ha” ang huli kong nasabi.
1. Juvy | June 18th, 2008 at 10:46 am
hahaha.. buti nga sayo at nag-isip ka ng ganun. huh!