Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan

December 20, 2006

 

 

sun

     

Parang
kulimlim na naman. Mukhang aabot pa ng ilang araw ang ulan na ito.
Kailan kaya matutuyo ang mga sinampay ni Aling Ely? Matagal ko na ring
hindi nakikita ang mga gumagalaw na kulay. Matagal ko na ring hindi
nararamdaman ang saya at kaba sa tuwing sasapit ang tanghalian.

       

“Celso!
Celso!”, ang natatarantang sambit ni Noemi. “Walang katulad ang nahuli
kong palaka dyan sa likod-bahay nina Aling Ely. Halos hindi mo na
mapansin ang kanyang pagka-palaka…”, ang buong pagmamalaki niya.

       

Kahit
na alam kong mababaw ang kaligayahan nitong si Noemi, nabibigyan niya
ako ng mga kakaibang ideya. May katumbas na paliwanag sa akin ang mga
ginagawa nyang sistema na sadyang labas sa karaniwang hubog ng mundo.
Nabanggit niya minsan sa akin na ang pagsapit ng lungkot sa buhay ay
ang paglalapat ng sariling mga labi habang tumitingin sa mga mata ng
isang kaibigan.

       

Naging
kasama ko si Noemi sa bawat daloy ng pighati. Maging sa sugat at
paghilom nito. Hindi ko siya hinahanap pero lagi siyang kasama sa
larawan. Para siyang kanin sa bawat tapsilog. Mabuti na lang at hindi
ako ang itlog. Ayokong masapawan ang puting kabutihan ng konting
pagkakamali. Mahirap ibalik ang dating kulay.

       

“Huy! Celso! Gusto mo ba talagang makita ang mga gumagalaw na kulay?”, ang pagulat na patanong ni Noemi.

       

“Siyempre naman! Paano? Paano ko makikita ang sinasabi mo?”, ang nagtatakang sagot at tanong ko.

       

“Iguhit ang araw para hindi umulan…”, ang sabi ni Noemi na may ngiting nakakaasar.

   

Ilang
minuto lang ay natanaw ko na ang mga gumagalaw na kulay dahil isinilong
na ni Aling Ely ang kanyang mga sinampay. Tanaw ko na mula rito sa
aming bintana ang kanilang Cable TV na mga ilang araw ding natakpan ng
mga basang damit
.

Entry Filed under: Mga Kuwento Ni Lex. .



Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

December 2006
M T W T F S S
« Nov   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Most Recent Posts