Ano Ang Bagong Kuwento Sa Iyo?
March 1, 2009

Noong 2006, nagsimula ang ideya sa paglikha ng mga tunay at di-tunay na kuwento. Ang tawag ng ilan dito ay blogs. Pero para sa akin, ito ay isang bahagi ng ating isip na inilagay sa anyong salita na kapag pinagsama mo ay magiging isang kuwento.
Maraming pagbabago at mga patunay ang naganap ng mga panahon na iyon. Ang ilan ay mga sumusunod:
- marunong pala akong maglikha ng kuwento na may patungkol sa:
- pag-ibig
- respeto sa kalikasan
- mga taongpasaway
- kaibigan at kaaway
- musika
- sa likod
- superheroes
- kinalimutan ng panahon
- nakaraan
- pagkain
- Nang dahil sa mga kuwentong aking nalikha, may ilan din akong naging at di naging mga kaibigan. Parang isang musika rin daw ang paggawa ng kuwento, mayroon ka ring pinapahiwatig na mensahe o intensyon, gamit nga lang ang iyong panulat at sa mga mambabasa —mga mata.
- Nag-iba angimaginasyon ko sa mga bagay-bagay. Naging batayan ko ang araw-araw kong nakikita habang naglalakad o habang gumagawa ng tulog. Nakatulong din ang pagbiyahe patungo sa ilang lugar na paborito ko tulad ng kubeta, ilalim ng kama, freezer ng ref, basurahan, mini-groceries at iba pa.
- Lumawak ang maliit kong mundo sa paglabas ng sama ng loob. Kung dati ay sa musika lang ang tungo sa tuwing bigo, ngayon ay mayroon ng ibang pinto. Ang pinto ng paglikha ng kuwento.
- Habang umaandar ang isip sa pag-iisip, nagiging mabilis ang panahon at lumiliit ang oras ng paghihintay.
- Humanga ako sa mga manunulat lalo na iyong lumilikha ng mga mahahabang kuwento o nobela. Sa buong buhay ko, wala pa akong isang nobela na nabasa at natapos basahin. Kaya sa aking palagay ay hindi rin ako makakagawa ng isang tunay na nobela.
- Nadagdagan ang aking pasensya. Mapalad ang naghihintay. Hindi ko minamadaling makita ang bulaklak ng isang kakatanim pa lang na halaman.
- Naniwala ako na makapangyarihan talaga ang pluma kaysa sa paggamit ng dahas o bala. Hindi ako isang panatiko ni Rizal, ngunit sa kabilang banda ay naibahagi ko sa mga kaibigan at kaaway ang laman ng aking puso’t isipan.
Ngayong 2009, tatlo na ang opisyal na daluyan ng aking isipan — ang musika, ang potograpiya at ang paglikha ng kuwento.
Ikaw, paano mo inilalabas ang laman iyong isipan? Mainam na pakawalan ang lahat ng iyan. Marami kang pagpipilian.
Maaari mong hintayin. Maaari mong tiisin.At maaari mo ring isipin.
Entry Filed under: Mga Pala-Palagay at Muni-Muni. .
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed